Download the App!

show episodes
 
Linya-Linya founder and writer Ali Sangalang host this comedy-na-may-kabuluhan show based on the daily experiences of Filipinos. Imagine being with your own Pinoy barkada, with endless kwentuhan, kulitan, and hiritan-- plus loads of laughs, tons of puns, and nuggets of wisdom. Yeah! This is the Philippines. Join the fun-- like our Facebook page, fb.com/thelinyalinyashow; follow us on Instagram @thelinyalinyashow; or tweet us @linyalinya with the hashtag #TheLinyaLinyaShow
 
Roadmap (roadmap.) is a new Music + Talk podcast by Indie Manila. Each episode features, through conversations and playlists, the journey of music industry professionals and creative champions in Manila and Southeast Asia. This podcast hopes to give us a better understanding and learn how each of our guests journey shape the music and creative industry today.
 
Loading …
show series
 
BOOM! VROOM! Nakasama ulit natin ang isa sa mga pinakanakakatuwa at nakakatawang content creators of our generation, si Macoydubs! Ang kwentuhan namin sa episode na ‘to? Sasakyan. Bilang huge car enthusiast (na lingid sa kaalaman ng iba), humingi tayo ng advice kay Macoy: Ano’ng kailangang mga paghahanda at considerations ng isang first-time car bu…
 
Sa episode na ‘to, alamin natin: What did it take to raise a Podcast Superstar? WIW! Nagbabalik sa pod, by popular demand, si Engr. Rene Sangalang a.k.a. Daddy! Sinakto namin sa Father’s Day na pagkwentuhan ang Buhay Tatay bilang magiging tatay tayo... I mean, ang marami sa atin, balang-araw. BOOM! Tungkol sa mainam na paghahanda at tamang mindset …
 
Pasabog kung pasabog ang out-of-this-world episode, kasama ang model student, content creator, and child wonder na si Yani Villarosa. In fact, kung saan-saan umabot ang usapang Gen-Z namin:Atay at Corazon.Stupid Luv.Science High Schools.Get That Ball by Viva Hot Babes.UPLB.College Life.Work-Aral Balance.The Elephant In The Room.The Linya-Linya Expe…
 
Basa trip, ‘wag basag trip. Sa bagong segment na ‘to, magbabasa lang ako ng ilan sa mga akdang nagustuhan ko at gusto kong ibahagi sa inyo (tula man, short story, article, essay, speech o kung ano pang other forms of literature or writing). Ang nabunot kong libro sa shelf ko, isang koleksyon ng mga tula: Ang Pasipiko Sa Loob ng Aking Maleta ni Alwy…
 
‘Wag kang mabahala… dahil nakasama natin ang award-winning singer-songwriter, composer, and lyricist, at isa sa mga nangingibabaw na tinig at himig ng ating henerasyon– si Nica del Rosario. BOOM! Masayang kwentuhang musicians, este, magkaibigan– mula Jamaican Pattie bias at strategy sa pag-grocery; sa pagpasok nya sa mundo ng musiika at sa proseso …
 
“Pwedeng mapagod. Bawal Sumuko.” At hindi nga tayo sumukong ma-guest ang world-renowned mural artist, environmentalist, at social activist, at ito na nga sa wakas sa The Linya-Linya Show: Sir AG Saño – BOOM! Isang malaking karangalang maka-collaborate ang isang artist na inilaan ang buhay sa sining, sa kalikasan, at sa lansangan. Sa episode na ‘to,…
 
May mga nagsasabi-- this is the election of our lives. Maraming tumindig, ipinarinig ang tinig, tumaya; nagbuhos ng oras, enerhiya, talino, talento, at kahit sariling resources. Ngayon tapos na ang halalan, paano nga ba ipoproseso ang nararamdaman? Samahan niyo kami ni Doc Gia Sison na harapin at i-acknowledge, anuman itong samu't sari at naghalo-h…
 
HALA-LAN! Kinakabahan ka na rin ba sa magiging resulta ng eleksyon? Hindi na maka-focus sa work at sa life? Huhu, samedt. Samahan niyo kami ng resident The Linya-Linya Show guest, friend, at dating kasamahan sa gobyerno na si Charles Tuvilla na labanan ang election anxiety at i-process ang thoughts and feelings sa mga nangyayari at mangyayari sa ba…
 
Sa episode na 'to, nakasama natin ang isang alamat – multi-awarded screenwriter, playwright, journalist, at novelist– na ilang dekada nang nagtuturo at nagtatanim ng binhi para sa pagsibol ng mga bagong Pilipinong manunulat– walang iba, kundi si Ricky Lee. Bilang kinikilalang manunulat ng mga akda at kwentong tumatatak sa ating mga kamalayan at nag…
 
Muling nagbabalik ang isa sa Fellow-22 favorites-- guro, makata, nobelista, podcaster, Twitter-ista, at mandirigma ng pag-ibig: si Sir Egay Samar. BOOM!Simpleng kwentuhang nagsimula sa kultura ng Japan at buhay abroad, na nagsanga-sanga sa mga mas malalalim na usapang buhay: sa pagyakap at pag-appreciate sa kulturang iba sa nakagisnan, sa tambalan …
 
Special episode alert! Kasama natin sa show si Doc Jerry Cua– doctor, vlogger, content creator, at head of the toCUA fam. Pinag-usapan namin ang kakaibang linya niya sa buhay: Kumusta nga ba ang buhay doktor, lalo sa mundo natin ngayon? Swabeng kwentuhan lang tungkol sa life inside and outside the MD: As one of the most demanding professions, how d…
 
Special episode alert! Kasama natin sa show si Doc Jerry Cua– doctor, vlogger, content creator, at head of the toCUA fam. Pinag-usapan namin ang kakaibang linya niya sa buhay: Kumusta nga ba ang buhay doktor, lalo sa mundo natin ngayon? Swabeng kwentuhan lang tungkol sa life inside and outside the MD: As one of the most demanding professions, how d…
 
Hanggang ngayon, misteryo sa milyon-milyong katao kung sino, ano’ng itsura, nasaan at kung kumusta na nga ba si Kabs– ang nag-iisang founder at creator ng KABULASTUGAN page. Sa isang pambihirang pagkakataon, nakaharap natin siya, one-on-one, face-to-face, at heart-to-heart– tungkol sa anonymity, sa pagpapatawa sa gitna ng pandemya at pulitika, sa s…
 
Isang biglaang episode, tulad ng mga pangyayari sa paligid lately-- nahatak ko sa podcast si Drew Beso. Isa siyang writer at community manager, content creator at viral tiktoker, isang active volunteer ng iba't ibang advocacies at isang certified #Fellow22. Pinagkwentuhan namin ang mga natatanging experience sa pag-attend sa #PasigLaban campaign ra…
 
Muling nagbabalik ang #DaddyDiaries kasama si Engr. Rene Sangalang: usapang anak at ama, isang tired at isang retired. Sa episode na ‘to, pinagkwentuhan namin ang pinakabagong chapter sa buhay ni Engr. Rene, kasama ang career tips and philosophies, setting goals, productivity, at ang value ng pagpupursige sa trabaho. Ano nga ba’ng bago at mga nagba…
 
May mga usapang hindi na kailangang lagyan ng pamagat, o lagyan pa ng mahabang paliwanag. Minsan, kailangan mo na lang umupo, magtanggal ng sapatos, at makinig.Isang napakalaking karangalan ang makausap ang musikero, makata, social and environmental activist, at rockstar of the Philippines na si Dong Abay. Tungkol tubig at sa buwan, sa paa at sa ma…
 
Sa isa sa pinakamakasaysayang episode ng show, nakausap ni Ali ang millennial historian na si Kris Pasion, aka Indio Historian. Dito, tinalakay nila ang ilang mahahalagang tanong: Ano nga ba ang saysay ng kasaysayan sa panahon ngayon? Paano ba natin ito tatanawin at babalikan? May tama bang paraan sa paggawa nito? Sa ika-36 na taon naman ng pagguni…
 
'Yung pakiramdam na parang lagi kang may hinahabol na kailangang gawin o gampanan. 'Yung parang hindi ka mapakali sa pagkakatayo, dahil gusto mong lumingon sa nakaraan, o kaya naman, marating agad ang bukas. Isang gabi, umupo lang ako at nagsimulang mag-record. Walang sulat-sulat. Walang script-script. Diretso mula sa naiisip at nararamdaman ko sa …
 
22 w/ a Fellow-22? Yas! Sa new segment na 'to, kikilalanin natin ang ilang lizzners ng The Linya-Linya Show– ang Fellow-22s! 22 questions, 11 galing kay Ali, 11 galing sa special guest. BOOM! First up, at talagang nagkataon lang namang tumapat sa Valentine’s Day: We have an auditor, a cat mom, a loving daughter, a thoughtful friend, the winner of t…
 
Ops. Teka. Sandali lang. Kailan ka huling tumigil para tunay na magmuni-muni at magnilay? Sa episode na 'to, nakasama natin ang dating propesor ni Ali sa Pilosopiya sa Ateneo de Manila University na si Ser Ice Pasco. Sumisid sila para subuking isipin at sagutin ang ilang mga tanong, tulad ng-- Ano nga ba ang pamimilosopiya? Kailangan ba'ng maging "…
 
Nasa sentro ng social life ng Pilipino ang pamilya. Lumaki tayo sa iba't ibang klaseng mga bahay, at nagmula sa iba't ibang background. Ang tanong: Paano nga ba nakaapekto sa paglaki natin ang kanya-kanya nating mga experience kasama ang pamilya? On this episode, nakasama natin ang Super Editor ng Inquirer Super, host ng Super Evil true crime podca…
 
To the millionz and millionz of lizzners around the universe: Ang nakasama natin sa show, award-winning and internationally recognized comic book artist and author, kilala sa kanyang daily comic strip na Kiko Machine Komix at weekly webcomic na News Hardcore-- Manix Abrera. BOOM! At hardcore talaga ang naging kwentuhan-- sa creativity, sa mga pinan…
 
"San ka?" "Inom, G?" "Tara." Ito na ang ultimate kagulong episode para sa lahat ng nami-miss ang kwentuhan at kulitan, ang mga labas at hangout with friends! Sa special biglaan-kaya-natuloy na episode na 'to, nakasama natin ang drummer ng Cheats, vocalist and guitarist ng Juicebox, football player, entrepreneur, at ang multi-talented wonder boy na …
 
May kanya-kanya tayong tinig, at makapangyarihan ang boses ng bawat isa. Ang tanong: Lalo sa panahon ngayon, paano at saan natin ginagamit ang boses natin? Muling nagbabalik sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakamahalagang tinig ng henerasyon ngayon, si Ebe Dancel. Samahan niyo kami sa isang mahalagang episode, na may kantahan, kwentuhan, at…
 
May kanya-kanya tayong tinig, at makapangyarihan ang boses ng bawat isa. Ang tanong: Lalo sa panahon ngayon, paano at saan natin ginagamit ang boses natin? Muling nagbabalik sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakamahalagang tinig ng henerasyon ngayon, si Ebe Dancel. Samahan niyo kami sa isang mahalagang episode, na may kantahan, kwentuhan, at…
 
Sandali lang. May mga sandali nitong nagdaang taon, 2021, na masasabi nating katangi-tangi. Totoo: Nasa pandemic pa rin tayo. Maraming dumaang problema. Maraming lumipas at nawala– mga kaibigan, kapamilya, mga nakasanayan nating karanasan, mga alaala.Pero sa kabila ng mga ito, sa paglipas ng mga araw at buwan, hanggang sa umabot tayo sa ngayon, mas…
 
Haaay, ang umibig nang malaya. On this culminating episode, Ali is joined by Charles Tuvilla-- award-winning poet and writer; father and friend-- na dumaan din at bumasag sa iba’t ibang hadlang sa pag-ibig. Malawak at malalim ang usapin ng pag-ibig, pero sinubok nilang talakayin: Through what lengths does love allow us to grow-- not just as couples…
 
Ano nga ba ang “safe space”? Saan natin ito matatagpuan at ano ang halaga nito sa buhay natin at sa konteksto ng mundo ngayon? Sa episode na ‘to, nakasama natin ang isang content creator at fellow-podcaster na si TOL-- na naghahatid ng inspiration at motivation sa mga tulad nyang nakakaramdam ng samu’t saring bigat sa mga araw-araw na nangyayari. K…
 
Inevitable ang differences sa love and relationships, at kasama dyan ang pagkakaiba when it comes to culture, lalo na, archipelago ang Pilipinas-- composed of thousands of islands and different regions-- at syempre, ngayon ding we’re in a global world. Kaya ang tanong na hinimay namin ni Doc Gia Sison: Sa totoo lang, how do cultural differences aff…
 
We are truly #blessed to have a very special guest. Isang millennial priest, social media influencer, at tinaguriang “Father TikToker”-- ang walang kaparehang si Fr. Fiel Pareja. BOOM! From his journey to priesthood, sa pagiging isang modern priest in a modern world, Fake News vs. Faith News, at kung paano makaipon ng ligtas points in a world full …
 
"The one"? Meron nga bang "the one"? Bigla-bigla na lang ba syang matatagpuan, o kailangang paghirapang maka-meet at makamit? Factor ba ang long term and short term relationship dito? On another Sa Totoo Lang #FreeToLove episode, hinimay namin ni Doc Gia Sison ang usaping ito-- na may special participation at "love story reveal" pa from my Daddy, E…
 
Kumusta ang buhay ng isang creative ngayong locked down pa rin tayong lahat? Ano-ano'ng pwede nating magawa, artist man o hindi, to keep our creative juices flowing? Meron nga bang "new normal" para sa Pinoy Komiks at totoo bang political ang comics? Hindi ito drawing-- kasama natin si Rob Cham, isang illustrator, award-winning comic book artist at…
 
Nagbabalik ang tambalang Ali at Vic sa isang sweat-free and irresistibly fresh episode!Dito, nag-share kami ng kanya-kanyang “What If’s”— mga bagay na naudlot sa pandemya tulad ng trabaho, landi, relationships, at mga lakad; at kung paano namin patuloy na pinaghahandaan ang mga ito sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon. Nag-deep dive kami sa halaga n…
 
Sa totoo lang, does distance make the heart grow fonder, or grow farther apart? Gaano kahalaga ba ang distansya-- physically and emotionally-- sa progress ng isang relationship? Ano-ano ang common perceptions sa isang LDR na kailangan nating irevisit at pag-aralan? Ano-ano ang implications nito ngayong nasa pandemic tayo? Posible bang gumana ang ga…
 
Paano nga ba maging "extra" sa mundong tila nasanay nang maging "pwede na"-- sa sarili, sa kapwa, at sa bansa? Ano ba'ng ibig-sabihin ng pagiging "extra" at "pwede na" sa kultura natin, at sa konteksto ng pandemya? Paano kaya nagkaganito, ano'ng implication nito, at ano'ng magagawa natin? Samahan si Ali, isang aminadong "average guy" at si Coach Ly…
 
Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Kaya naman, inihahandog natin ang ikalimang yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino bilang joint celebration ng nagdaang Pride Month at Buwan ng Wika. Sabihin na nating isa itong pagdiriwang ng pag-ibig at ng panitikan. Tampok ang mga tulang karamihan ay mula sa kanyang librong "Hindi Baga…
 
Sa ika-150 episode ng The Linya-Linya Show, ang makakasama natin: Isang premyadong nobelista, isang makata, isang icon sa Panitikang Pilipino, na isa ring mapagmahal na ina at lola, at kaibigan, si Ma’am Lualhati Bautista. BOOM!Mula sa kanyang mga alagang pusa, sa dahilan ng kanyang pagsusulat, sa mga isyung panlipunan, sa mga pagkakapareho’t pagka…
 
Sa episode na 'to, nakasama natin sa isang magaan at nakakagaan-ng-loob na kwentuhan ang isang bigating guest– ina, abogado, at ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, si VP Leni Robredo. BOOM!Naging masaya at malaman ang usapan namin-- mula sa prusisyong "rock on" hanggang sa sayawang barangay; sa kwentong bahay hanggang sa buhay nanay; sa kanyang t…
 
Tambak na trabaho? Nawasak na puso? Petsa de peligro? Balitang ansakit sa ulo? Hay, nakaka-STRESS DRILON talaga minsan ang buhay! Buti na lang, kasama natin sa show ang veteran journalist, seasoned host, online personality, at overall iconic superwoman-- the one, the only, Ms. Ces Drilon! Paano nga ba natin haharapin ang mundong parang araw-araw ta…
 
Sa episode na 'to, nakasama natin ang bukod-tanging artist, comedian, actor, director, at ang ultimate Bayaw ng Bayan– si Jun Sabayton! BOOM! Masaya at swabe ang naging sabaw Friday night kwentuhan naming pasanga-sanga sa kung ano-anong interesanteng topics mula sa art at aktibismo, pulitika at plastic balloon, hanggang sa pagiging bayaw at pagmama…
 
Bigyang-daan natin ang ating kool na kool na guest for today: Professional stand-up comedian, isa sa staple headliners ng Comedy Manila, at 1/5 ng The KoolPals – James Caraan! All-out tawanang puno ng insights ang episode na ‘to tungkol sa kwentuhang pets, mga larong bata, handling bashers with a touch of humor, doing stand-up-from-home, at ang pur…
 
Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, napapanahon ang diskusyon namin ni Doc G tungkol sa pinakamatinding wika sa lahat– ang Wika ng Pag-ibig. BOOM! Sa fresh na fresh na episode na ‘to, tinalakay namin kung ano-ano ang mga Love Language at kung bakit ito mahalaga sa isang relationship. Isa-isa naming sinagot ang mabibigat na tanong: Paano nga ba natin mag…
 
It's kind of a special episode dahil nakasama natin ang former Creative Director of the Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, Information Design Program Coordinator ng Ateneo de Manila University, ang tinaguriang #MarzyNgBayan, at isa sa mga pinakamalapit, pinakamalupit, at pinakamabait kong kaibigan — si Smile Indi…
 
Ano'ng meron? Madalas tayong tinatatanong nito--- pero sa panahon ngayon, bakit parang mas dumadalas ang wala kaysa meron? Ang nawawala, kaysa nahahanap. Ang umaalis kaysa dumarating. Sa ating paghinto at paghinga, sandali nating isipin ang mga bagay na nawala-- mga panahon at pagkakataong lumipas, mga tao na lumisan-- at alamin kung meron itong si…
 
Nakakatindig-balahibo ang episode na 'to dahil nakasama natin ang visual artist, animator, at ang creator ng comics na Tarantadong Kalbo— si Kevin Eric Raymundo. BOOM!Masaya, malaman, at malalim ang naging kwentuhan namin ni Kevin, na kulang na lang yata ay maglabas kami ng kanya-kanyang case ng alak. Inuna namin ang pinakamatinding tanong: Kalbo b…
 
BREAKING: Sa ulo ng nagbabagang balita — ang model, beauty queen, TV host, broadcast journalist, former UST Growling Tigers courtside reporter, forever Kapamilya, at ang pinakabago nating KapaLinya, si Tina Marasigan, kasama natin sa The Linya-Linya Show— BOOM! Naging masaya at makabuluhan ang usapan namin tungkol sa buhay ng isang journalist dahil…
 
Ops, teka. Busya ka ba? Hinay-hinay lang. Preno ka muna at makitambay sa ultimate bisikleta episode ng The Linya-Linya Show! Sa ride na 'to, nakasama ni Ali ang assistant professor, award-winning writer, lubak-conquering rider, at ang ating tinaguriang “Ultimate Social Media Bike Influencer” na si Sir Joey delos Reyes — BOOM!Pinagkwentuhan namin ku…
 
On this episode, we spoke with the former Spokesperson of President Benigno S. Aquino III, Atty. Abigail Valte. Masaya ang naging kwentuhan at naging malalim ang usapan kasama ang isa sa mga dati kong boss: Ano nga ba ang trabaho ng isang Presidential Spokesperson? Ano-ano ang qualification para sa napakahalagang role na ‘to? Gaano kaseryoso at ka-…
 
Ramdam nyo ba yung biglang-lamig ng panahon? Pasensya na. Nandito na kasi Ang Pinakamalamig na Rap Song sa Buong Daigdig nina Victor Anastacio, Comic Ali, at wait for it... Johnoy Danao lang naman. Sa pagbabalik ni Vic sa The Linya-Linya Show episode na 'to, nireview nila ni Ali kung bakit napakahalaga ng kantang ito sa hiphop history, at kung baki…
 
Loading …

Quick Reference Guide

Copyright 2022 | Sitemap | Privacy Policy | Terms of Service
Google login Twitter login Classic login