Artwork

Content provided by Mighty Rasing. All podcast content including episodes, graphics, and podcast descriptions are uploaded and provided directly by Mighty Rasing or their podcast platform partner. If you believe someone is using your copyrighted work without your permission, you can follow the process outlined here https://player.fm/legal.
Player FM - Podcast App
Go offline with the Player FM app!

#002: Ibang-iba na nga ba ang Kabataang Pinoy Part 2

27:44
 
Share
 
Archived series ("Inactive feed" status)

When? This feed was archived on October 15, 2017 16:22 (7y ago). Last successful fetch was on July 14, 2017 13:44 (7y ago)

Why? Inactive feed status. Our servers were unable to retrieve a valid podcast feed for a sustained period.

What now? You might be able to find a more up-to-date version using the search function. This series will no longer be checked for updates. If you believe this to be in error, please check if the publisher's feed link below is valid and contact support to request the feed be restored or if you have any other concerns about this.

Manage episode 151142260 series 1017750
Content provided by Mighty Rasing. All podcast content including episodes, graphics, and podcast descriptions are uploaded and provided directly by Mighty Rasing or their podcast platform partner. If you believe someone is using your copyrighted work without your permission, you can follow the process outlined here https://player.fm/legal.

In this episode, we continue the discussion started in Episode #001. Ang Question for the Week ay the same sa first episode:

Ibang-iba na nga ba ang Kabataan Natin Ngayon? Sa paanong paraan?

episode1-2

More specifically, ito yung mga topics sa episode na ‘to:

  • Ang kabataan ay kabataan pa rin. Pareho ng needs.
  • Nagbabago lang ang mundo, pero ang mga kabataan noon ay pareho rin ng mga kabataan ngayon.
  • Maslow’s Hierarchy of Needs

Music played in this episode:

  • “Awit ng Kabataan” by Rivermaya
  • “Hesus” by Alamid

Right click to download the mp3

Here’s the Transcript of the Show

Ang sabi nila, ibang-iba na daw ang mga kabataang Pinoy ngayon. Hindi naman yata, nagbabago lang ang mundo pero ang mga kabataan ay kabataan pa rin.

Good evening! Magandang gabi mga katropa! Welcome sa isa na namang episode ng Generation Y Chronicles, at ako si Kuya Mighty ang makakasama ninyo dito sa ating programa.

Noong nakaraan linggo sa ating past episode, pinagusapan natin ang tungkol sa mga kabataang Pinoy kasi ang sabi nila ibang-iba na daw ang mga kabataan Pinoy ngayon. Yun na nga tiningnan natin ang isang argumento na, oo, ibang-ibang na ang mga kabataan ngayon. So binanggit natin ung tungkol sa attention span ng mga kabataan, ung pagiging mas liberal ng mga kabataan ngayon. At ngayong episode na ‘to, pag-uusapan naman natin ang flip side of the argument na hindi naman nagbabago ang mga kabataan. Pareho lang ang pinagdadaanan. Agree ka ba katropa?

Kung na-miss mo ‘yung kwentuhan natin noong nakaraang episode, wag kang mag-alala. ‘Wag kang madepress. Meron ka pa ring pagkakataon para makapagcatch-up sa ating usapan. Kung may internet connection ka, punta ka lang si pinoyyouth.org/generationy. Pwedeng-pwede mong idownload ang nakaraang episode natin. At siyempre, ‘wag na ‘wag mong kalimutang i-like ang ating facebook page, facebook.com/pinoyyouth. At tsaka kung magtwi-twit ka, gamitan mo na rin ng hash tag, #pinoyyouth. Pwedeng-pwede ka na ring magtext sa amin. Ang DZMR hotline natin ay 09175648388.

So, iyon na nga, may mga nagsasabi na hindi naman daw talaga iba ang mga kabataan ngayon. Ang sabi nila , dude hindi naman talaga nagbago ang mga kabataan, ganun pa rin. Nagbabago lang ang mundo pero ang kabataan ay kabataan pa rin. Parang mas magandang pag-usapan ito ng mas malalim ano?

Ang mga problema daw ng mga kabataan noon, ay siya pa ring mga problema ng mga kabataan ngayon. ‘Yun nga lang ang mga kabataan dati ay nagmature na. Dati bagets sila ngayon tanders na. ‘Wag po kayong magreklamo, kaming mga bagets ay magiging tanders din pagdating na araw. Eto na nga, bakit daw ang mga kabataan noon at kabataan ngayon ay pareho ng mga characteristics.

Una, love for adventure and exploration. Ang mga kabataan parang automatic na naghahanap ng adventure at exploration yan. Dati pag sinabi mong adventure, pupunta ang mga kabataan sa irrigation. Oh alam ko baka may hindi makarelate dyan kasi uso ito sa mga rural areas. Pupunta ang mga kabataan sa irrigation para magswimming. O kaya sinasabi pa nga nila dati kapag bakasyon, merong magpapatuli sa pamamagitan ng pukpok tapos may bayabas silang ngunguyain. Tapos pagkapukpok sabay talon sa irigasyon. Oh kaya ‘yung iba naman pupunta sa ilog o sa dagat para magswimming.
Ganun ang adventure dati. Pero ngayon pag sinabi mong adventure, gusto ng maraming kabataan kukuha ng skateboard, at gusto yatang bumali ng ilang buto sa kanilang katawan.

‘Yun din daw mga kabataan dati, ayaw na ayaw dingnasasabihan o nasesermunan. Ayaw mapagalitan, kaya nga minsan nagrerebelde di ba. Pero that’s the same thing with young people today. Parang ayaw pa rin nating nasesermuna. Ayaw pa rin nating nasasabihan di ba. Pansinin mo, minsan kapag may mga kaibigan si daddy at mommy, o kaya mga kaklase nila before, o kaya kababata nila, pag nakukukwentuhan sila ng mga adventures at misadventures nila noong highschool or noong college pa sila, parang ayaw nilang iparinig sa atin dahil nga meron din silang pagkakamali before. Meron din silang mga adventures before. Parang marerealize natin na pareho lang naman talaga tayo ng mga tendencies. Pareho nating gustong matuto, gustong magexplore. Tapos pag sinasaway tayo, pag tayo na ang sinasabihan at sinesermunan gusto nating sabihin hindi ninyo kasi kami naiintindihan. You don’t understand, o di ba, kaya tuloy parang madali, mabilis tayong magrebelde. O ito, baka makarelate kayo, isang kanta na sumikat noong 1990’s, Awit ng Kabataan by Rivermaya.

Sabi ng kanta, “Kung gusto niyo kaming sigawan, bakit hindi nyo subukan, lalo lang kayong hindi maiintindihan”. Kasi naman po, mga mommy, mga daddy, mga tatay, nanay, pati na rin si lolo at lola, isama na rin natin ‘yung mga teachers natin, si sir at si mam. Baka naman po kasi pwedeng hindi laging pasigaw. Parang kasing pag sinagawan ka, parang ang laki-laki ng kasalanan mo di ba. Baka naman pwedeng daanin sa mabuting usapan. O take note, ang sabi ko mabuting usapan hindi “maboten” usapan okay? Kasi pag nag-uusap naman ‘yung mga tanders at ‘yung mga bagets, okay naman eh. Meron tayong napagkakasunduan. Kasi part ng struggles natin bilang mga kabataan ‘yung paghahanap ng ating self-identity. ‘Yun bang hinahanap mo ‘yung place mo sa mundo. Tapos madalas mong tanungin ‘yung sarili mo, lalong-lalo na ung mga times na hindi ka bored, bakit nga ba ako nandito sa mundo? Para saan ba ang buhay ko? Oh ipasok mo na rin ‘yung usapin ng self-esteem. Kaya nga ba ‘yung mga girls gusto nila maging maganda. Gusto nila nasasabihang maganda. At dapat ung magsasabi ng maganda hindi lang si mommy at daddy kasi parang pag si mommy at daddy, “Oo anak maganda ka”, eh lahat naman ng mga anak magaganda sa paningin ng tatay at nanay di ba. May mga girls gusto din nilang maging payat, gusto maging maputi, kasi dito sa ating bansa, ewan ko ba kung bakit nauso ‘yun. Kapag maputi ka, ka o kaya gwapo ka. Eh paano kung ang talagang kutis mo ay kutis ilokano, o hindi lang ilokano o ilokana, kutis ng galing sa probinsya. Oh ako sympre ilokano ako, at ang kulay ko kayumangging ilokano tapos alam kong maiitim ang siko ko. Isa nga sa mga biru-biruan naming mga ilokano writers, ang isa daw sa mga palatandaan na makikita mo ang isang ilokano kahit tagalog ng tagalog or kaya english ng english, tingnan mo ‘yung siko. Kapag maiitim ilokano daw, ewan ko kung totoo kasi ‘yung siko ko hindi naman ganun kaiitim.

But ‘yun na nga, gusto ng mga dalaga na maging maputi para maging maganda. Sino ba naman kasi ang nagbigay sa atin ng definition ng maganda na ganyan. Parang may mali noh. ‘Yung mga boys naman gustong maging bihasa sa sports lalung-lalo na sa basketball. Ako hindi talaga ako natutuo ng basketball. Nagtry ako non kasama ‘yung mga barkada ko noong highschool pero as much as I wanted to learn parang hindi talaga para sa akin ang basketball eh. Sorry na lang.

Buti na lang sa generation natin ngayon, nauuso na rin ang soccer, nauuso na rin ang football, salamat sa Philippine Azkals. Meon kayang mahilig din sa boxing kagaya siympre ni Pacquiao at Donaire. Si Pacquiao alam ko napakaraming fans niyan. At kahit na natalo pa siya ni Marquez noong nakaraang laban nila, eh siya pa rin ang national Champ natin di ba. Kasi makikita mo talaga ung disiplina at saka ‘yung story ni Manny Pacquiao, sobrang ganda. Oh syempre si Donaire din proud din tayo kasi pinoy ‘yun at marami ngang mga boys, marami ngang mga kabataang lalaki ang gustong maging astig sa sports.
Oh kaya ‘yung iba naman kung hindi talaga mahilig sa sports, gusto lang magpapogi at magpamacho ng katawan, ayun nagpupunta sa gym, nagbubuhat ng mga weights at nagpapapawis. ‘Yung iba nagjojogging di ba? Kasi part yan ng paghahanap natin ng self-identity. At gusto natin ‘yung tiwala sa ating sarili mabuo.

Kaya lang hindi talaga natin maiwasan dahil sa paghahanap sa sarili at sa identity parang nagkakaron tayo ng self-doubt. Alam mo ‘yung feeling na parang hindi ka sigurado kung anong role mo sa buhay. ‘YUng hindi mo alam kung anong role mo sa mundo. Hindi mo alam kung anong pangarap mo mo. Hanggang ngayon pa rin naman problema pa rin natin ang poverty. Feeling mo ba mahirap kayo?..Marami pa ring kabataan ang hindi makapagtuloy sa college dahil na nga rin poverty. Napipilitan silang magtrabaho at magbanat ng buto. Kasi kailangan kumain ng pamilya. Ang nangyayari instead na pang tuition, ipinangbibili na lang ng binhi, o kaya ipinangbibili ng hayop para maalagaan at un ang gagamitin na pantawid sa pamilya. Eh kung talagang may pangarap ka, eh wala talaga kayong pera, parang minsan kung hindi talaga kayo magpupursige eh di hanggang ganun na lang.

Eh ikaw katropa, problema mo din ba ang poverty? Well kahit naman siguro noong 1960’s o noong 1920’s problema na ang poverty so pwede nating sabihin na pareho lang. Pareho lang ang kabataan noon at kabataan ngayon.

Oh ito isa pa. ang mga kabataan noon kailangan ng love at social life. Kayo ba hindi ninyo ‘un kailangan ngayon? Next time nga na magbukas ka ng facebook check mo ‘yung status ng mga friends mo, malamang sa malamang laging pinaguusapan ang lovelife sa mga timeline nila. Kung pagbabasihan nga ang facebook pwede nating sabihin na pinakamalaking problema sa mundo eh lovelife.

Next time nga na magbukas ka ng facebook eh icheck mo ‘yung status ng mga friends mo. Malamang sa malamang laging may usaping lovelife sa mga facebook wall nila. Tingnan m ha, meron dyang “Bitter Ocampo”, kasi hindi pinapansin nung crush o kaya nun loved one. MEron dyang masayang-masaya, papansin ng papansin, meron dyan na-friend zone. Alam mo ‘yun friends kayo tapos aaminin mo na, tapos sinupalpal ka niya na para ang we’re good as friends or parang let’s remain as friends na lang di ba. O kaya meron di dyan parang feeling pogi o kaya super ganda, maraming ganyan dyan. At kung minsan nga kung pagbabasihan natin ang facebook ng napakaraming tao ngayon, pwede nating sabihin na ang pinakamalaking problema ng mundo ay ano pa, love life. Hindi ka naniniwala? Tingnan mo lang sa susunod.

Speaking of facebook, ‘wag na ‘wag ninyong kakalimutan mga katropa, puntahan ninyo ang facebook page natin, facebook.com/pinoyyouth. Magkomento ka at magtanong. Yun ngang pinaguusapan natin ngayon ay ibang-iba na nga ba ang mga kabataan ngayon, at sa paanong paraan. Ang argument na pinaguusapan natin ngayon is that the young people of yesteryears o ‘yung mga kabataan dati at ‘yung mga kabataan ngayon ay pareho lang. Pareho ng mga needs, pareho ng mga problema.

Problema nga talaga siguro ang lovelife noh. Kahit anong age mo, bagets ka man o tanders ka man, minsan may nababalitaan nga tayo na 60 years old na nagpapakasal pa after mabalo, kahit matanda ka na, kahit kabataan ka pa, kailangan mo ng love, L-O-V-E, LOVE. Sabi nga nila love makes the world go round.

And speaking of needs ng mga kabataan, si Abraham Maslow, isang lolo natin ‘yun, kaya lang patay na siya, isa siya sa mga pinakarespetado at sikat ng psychologist sa United States. Noong kasagsagan ng kanyang Psychology career, meron siyang ginawang Hierarchy of Needs. Para maintindihan natin ng maayos, meron siyang ginawang Hierarchy of Needs, at ito nga ang nagsasaad ng pangangailang natin bilang mga tao. Tingnan natin ‘yung mga needs na binabanggit ni Abraham Maslow.

Ang una, ang pinakababa kaya nga Hierarchy of Needs ito, makikita mo siya na parang pyramid. ‘Yung pinakababa, ito ‘yung tinatawag na Physiologican needs o kaya ito ung mga biologican needs natin. Syempre kailangan natin ng pagkain, kailangan natin ng tubig, kailangan nating matulog, kailangan nating dumumi, kailangan nating huminga. Sige nga punta ka sa ilalim ng dagat, walang oxygen dun di ba. Kung hindi maibibigay ung pangangailangan mo ng paghinga, e di syempre tsugi ka di ba, hindi ka mabubuhay. Eto pa, try mong magfasting ng 40 days, try mo lang. Alam ko may mga nagtry pero nabuhay naman sila. Pero if you do not have food, ibig sabihin, hindi ka makapagisip ng maayos. Imbes na pagisipan mo ‘yung mga plano mo sa buhay, ang iisipin mo kumakalam ung sikmura ko, anong kakainin ko.

Naalala ko tuloy noong college ako, kasi ako yung pinakauna sa pamilya namin na mag-aral sa Maynila. Ang allowance ko nanggagaling sa Isabela, ako naman nasa UP Diliman noong mga time na un. Syempre hindi naman maiiwasan, ang tatay ko ay isang pastor, ang nanay ko ay isang public school teacher, may mga times na nadedelay ang allowance ko. Hindi pa non uso ang cellphone. Oh wait baka sabihin ninyo tanders na ako, kasi kayo naglipana na ung mga cellphones ngayon eh, pero ‘yung time na ‘yun, noong first year ako wala pa akong cellphone. Kung kailangan ko ng emergency at ng saklolo
kailangan kong magpunta sa payphone at tumawag sa school na nanay ko kung san siya nagtuturo sa San Manuel, Isabela. ‘Pag paubos na ang allowance ko parang, Lord anong gagawin ko wala na akong pagkain.

Kung wala ka talagang makian, ang laki ng problema mo. Kasi tingnan mo na lang, may mga beggars, meron tayong mga namamalimos sa gilid-gilid at minsan wala talaga silang makain, kahit minsan ‘yung panis kukunin na nila makakain lang.

‘Yun ung ating biological needs. Napakaimportante non di ba, but on top of the biological of physiologican, nandyan naman ung Safety at pumapasok dyan ‘yung scurity of body, ung secure din ang employment mo, meron kang resources na pinagkukunan, so nandyan ang trabaho, ung economic security mo, ung safety ng health mo, ung safety ng pamilya mo, safety ng health mo at syempre ‘yung safety ng mga ari-arian mo.

Isipin mo na lang kung hindi safe ang property mo like anytime may pwedeng kumuha ng mga gamit ninyo sa bahay. Alam ninyo buti na lang dito sa ating bansa, hindi talamak ang giyera. Hindi katulad ng mga bansa sa Middle East o sa Africa parang reality na sa kanila ang may giyera. Parang pag ganun hindi mo mabubuo ‘yung mga pangarap mo kasi maya’t maya may sumasabog, maya’t-maya may digmaan, maya’t-maya may inaaresto. Buti na lang talaga! Magpasalamat tayo sa Diyos at we’re living in a relatively safety environment.

So nandun ung safety needs natin na hopefully napo-provide naman. And then on top of that, nandun ‘yung Love And Belonging. Kailangan meron tayong friendship, meron tayong pagmamahal sa pamilya. Isipin mo na lang na ikaw ay isang loner na walang nagmamahal sa iyo. Meron ka bang kakilalang ganyan, ung tipong laging mag-isa,laging depressed. Try mo kayang ilagay ‘yung sarili mo sa kanya, ung tipong masayang-masaya ka pero wala ka namang makausap. O kaya depressed na depressed ka na kung anu-ano nang naiisip mo, tapos wala kang masabihan. Minsan nga tayo wala lang tayong mareceive na text sa isang buong araw, parang ang lungkot noh. ‘Yung iba nadedepress pa. Which is just to show na kailangan talaga natin ng love at belonging.

At sa itaas naman non, on top of love and belonging needs nandun naman ‘yung Esteem. Ibig sabihin meron tayong self-esteem, meron tayong confidence and we are free to achieve kung ano ‘yung mga pangarap natin. And that we enjoy the respect of others at nirerespeto tayo ng ibang mga tao. Minsan di ba kapag feeling mo walang rumerespeto sa iyo, walang nagrerecognized sa iyo parang ang lungkot ng buhay mo. Kaya kailangan natin yan, self-esteem.

At ang pinakamataas, ung nasa tuktok ng Hierarchy of Needs na ginawa ni Abraham Maslow ay ‘yung Self-actualization. Dito na pumapasok ‘yung meron kang creativity, meron kang morality, naa-accept mo ang mga realities sa buhay mo at naso-solve mo ‘yung mga problema mo. At pinagsabi mong self-actualization, ibig sabihin na pwede mong i-pursue ‘yung lahat ng mga potentials mo, lahat ng mga talento mo nagagamit mo. Yan ang self-actualization.

Balikan natin, una meron tayon Physiological needs o ‘yung mga biologican needs. Pangalawa, we have Safety needs. Pangatlo, we have Love and Belonging needs. Pangapat, we have Esteem needs. At ang panghuli ‘yung Self-actualization.

Kung kabataan ka noong mga 1960’s at kabataan ka ngayong 2013, ‘yung mga needs natin pareho. So ‘yung mga na-identify na needs ni Abraham Maslow eh siya ring mga needs nila noon at un din ung mga needs natin ngayon. Meron tayong mga physical needs, emotional needs, meron tayong social needs at meron tayong spiritual needs.

And speaking of spiritual, meron isang kaibigan na willing mglakad kasama mo. Kahit na madilim ang mundo mo,o kaya minsan feeling mo naglalakad ka sa kawalan, ang pangalan niya ay Hesus. At siya ang kukumpleto sa mga needs mo.

Noong nakaraang episode pinausapan natin na ibang-iba na ang mga kabataan ngayon. AT oo, tama un. Ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kasi napakaraming nagbago sa ating mundo. Ngayon episode naman na ‘to tiningnan natin ung mga counter argument na ang mga pangangailangan ng kabataan noon ay pareho rin sa mga pangangailangan ng kabataan ngayon. And you know what, they are both correct. Pareho lang, ‘yung sinundan natin mga kabataan noong panahon nila, marami tayong mga similarities sa kanila. Kaya alam ninyo mga katropa kung kayo’y may mga problema, try to talk to an adult. Alam ninyo ung ibang mga pinagdaanan natin, pinagdaanan na din nila. And who knows may mapulot kang magandang advice di ba at malaman mo kung paano masosolusyunan ‘yung ilan sa mga pinagdadaanan mo.

At natapos na naman ang isang episode ng Generation Y Chronicles. Katropa ‘wag mong kalimutang i-like ang facebook page natin, puntahan ang facebok.com/pinoyyouth. Ifollow mo na rin ang twitter natin, twitter.com/pinoyyouth. At sa susunod nating episode wag na wag kayong mawawala, samahan ninyo ako. Lunes ng gabi, alas 7-7:30 ng gabi, dito sa DZMR. Sa next episode paguusapan naman natin ang love life kasi Valentine’s na at meron tayong special guest for next episdoe kaya wag kayong mawawala. Okay?

Muli ito si Kuya Mighty para sa Generation Y Chronicles, dahil ang buhay kabataan minsan madrama, minsan comedy, minsan hindi mo lang talaga maintindihan. Kaya pagusapan natin mga katropa. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Young People’s Ministries ng United Methodist Church at ng himplilang ito.

  continue reading

31 episodes

Artwork
iconShare
 
All episodes

×
 
Loading …

Welcome to Player FM!

Player FM is scanning the web for high-quality podcasts for you to enjoy right now. It's the best podcast app and works on Android, iPhone, and the web. Signup to sync subscriptions across devices.

Quick Reference Guide